ANIM na istorya ang tampok sa special Lenten presentation ng Eat Bulaga na aantig sa puso ng televiewers.

Ang magkapatid na Sotto na Tito Sen at Bossing Vic ang mga bida sa Biro ng Kapalaran sa direksiyon ni Joel Lamangan. Marami nang artista ang nahawakan ni Lamangan na nagtamo ng acting awards at this time ay baka si Bossing Vic na ang nakalinya.

Ibang level ng pagganap ang ipinamalas ng mga Sotto na ikagugulat ng marami.

Hinango sa tunay na buhay ang istorya ng Pinagpalang Ama

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Ang ama ay ginagampanan ni Joey de Leon who has three sons na pawang beki. Isa na rito ay si Ryan Agoncillo. Ang direktor ng episode ay si Joyce Bernal. The other drama stories na tumatalakay sa iba’t ibang mukha ng buhay ay ang mga sumusunod: 

Sukli ng Pagmamahal, Aruga ng Pag-ibig at Lukso ng Dugo. May special guesting appearances din sina Jacklyn Jose, Ina Raymundo, Nova Villa at Marian Rivera.

Naging panata na ng Eat Bulaga na every year ay mag-produce ng Lenten Special.  (Remy Umerez)