Nagulantang kahapon ang mga tauhan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nang maaktuhan ang isang papaalis na provincial bus na nagpapalabas ng malaswang pelikula, sa surprise inspection ng ahensiya kahapon sa Araneta Center bus station sa Cubao, Quezon City.

Ang nasabing bus ay mula sa R. Volante Lines at biyaheng Bicol.

Sinabi ni MTRCB Chairman Toto Natividad na ang nasabing bus ay may sakay na 12-anyos na babae.

Aniya, nag-inspeksiyon ang MTRCB para matiyak na sumusunod sa mga panuntunan sa pagpapalabas ng pelikula ang mga pampasaherong bus, partikular dahil dagsa ang bibiyahe ngayong Semana Santa.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Iginiit naman ng driver ng bus na wala silang balak ipalabas ang nasabing malaswang pelikula, na nakalimutan lang nilang tanggalin matapos nilang panoorin sa garahe nang sinusundang gabi.

Kaagad na sinamsam ng MTRCB ang DVD copy ng pelikula at inilipat na sa kostudiya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang driver at bus para imbestigahan.