Tinupad ni WBO junior flyweight world titlist Donnie “Ahas” Nietes ang kanyang pangako na patutulugin ang hambog na Mexican challenger na si Gilberto Parra matapos niya itong mapatigil sa 9th round sa main event ng PINOY PRIDE 30: D-Day sa Smart Araneta Coliseum kamakalawa ng gabi.
Pinahirapan ni Nietes sa loob ng walong rounds ang Mexican knockout artist kung saan ay ipinagdiinan nito sa pre-fight press conference na patutulugin niya sa pamamagitan ng matitinding left jabs at overhand rights ang kalaban, bukod pa na itutuon din ang atensiyon sa mga bigwas sa bodega ng challenger.
“In the eighth, he knocked down Parra with a well timed right hand. The Mexican got up and started a hasty retreat which earned boos from the crowd,” ayon sa ulat ng Philboxing.com. “In the ninth round, quick one-two combos stunned Parra and sent him on the back foot.”
“At the end of the ninth, referee Jack Reiss called the ring doctor, who examined Parra, who was bleeding from a cut on his left eyebrow and reeling from a hail of head shots,” dagdag sa ulat.
“Parra was obviously in no condition to continue and the fight was halted before the start of the tenth round.”
Natamo naman ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. ang NABF super bantamweight crown matapos mapatigil sa 2nd round si William Prado ng Brazil kaya inaasahang na ang pagsabak nito para sa world title sa kanyang susunod na laban.
Napanatili naman ni “Prince” Albert Pagara ang kanyang IBF Intercontinental jr. featherweight belt matapos talunin sa 4th round TKO si Mexican knockout artist Rodolfo Hernandez.
Dinaig ni AJ Banal sa 8-round unanimous decision si Junior Bahawa ng Indonesia na pawang nakakuha ng iskor na 80-71 ng mga huradong sina Greg Ortega, Salven Lagumbay at German Tayag.
Umiskor naman si Joepher Montano ng panalo via 1st round technical knockout laban kay Tyson Maher ng Australia.