SAN JUAN, Batangas - Kinabukasan na nagkamalay ang isang matandang babae at natuklasang napatay ng magnanakaw ang kanyang asawa makaraang looban ang kanilang bahay sa San Juan, Batangas.

Hinampas umano ng weighing scale sa mukha kaya namatay ang 81-anyos na si Marcelino Sadsad, ng Barangay Maraykit, sa naturang bayan.

Nawalan naman ng malay ang asawa niyang si Marietta Sadsad, 78, matapos suntukin ng isa sa mga suspek at tamaan sa mata.

Ayon sa report ni SPO1 Reynaldo Red, hatinggabi noong Marso 26 at natutulog ang mag-asawa nang salakayin ng dalawang suspek ang bahay ng mga ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dakong 1:00 ng hapon na kinabukasan nang magkamalay si Marietta at humingi ng tulong sa mga kapitbahay upang madala siya sa ospital.

Natangay umano ng mga suspek ang P25,000 cash, US$1 at mga alahas ng mag-asawa habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.