Kinakailangan na lamang ng Larong Volleyball ng Pilipinas Incorporated (LVPI) na magsagawa ng dalawang national tournament at dalawang national open upang tuluyan nang makuha ang rekognisyon bilang miyembro sa general assembly at pagkilala ng Philippine Olympic Committee (POC).

Ito ang sinabi ni LVPI president at POC 1st Vice-president Jose Romasanta matapos na matanggap ang sulat mula kay FIVB president Ary Graca na nagbibigay dito ng pansamantalang rekognisyon sa internasyonal na komunidad hanggang hindi pa nito nababayaran ang pagkakautang ng Pilipinas na mahigit P4-milyon.

“Hindi naman sa nagmamadali kami but the LVPI is willing to pay the debt through the help of our benefactor before we could finally worked on our full membership sa POC,” sabi ni Romasanta.

Ipinaliwanag ni Romasanta na kailangan ng LVPI na dumaan sa tamang proseso na katulad ng ibang asosasyon na humihingi ng pagkilala sa POC, pagbayad ng membership fee, pagsusumite sa kailangang dokumento na tulad sa listahan ng mga stakeholders at pagsasagawa ng mga lokal at internasyonal na torneo.  

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Matatandaan na binigyan ng taning ng FIVB ang bagong buong LVPI na hanggang Abril 30 para bayaran ang matagal na panahon nang pagkakautang ng asosasyon ng volleyball sa bansa bago nito tuluyang kilalanin ang grupo na binubuo ng mga ligang NCAA, UAAP, Shakey’s V-League at Philippine Superliga.

“Hindi naman kami kikilalanin ng FIVB kung walang pagkukulang ang PVF sa kanilang responsibilidad. Napaka-protective nila sa kanilang mga member kaya imposible na makapasok kami sa kanila ng basta na lamang. Mismong sila na ang nagsabi sa amin na madaliin ang pagbuo para maituloy ang programa nila,” giit ni Romasanta.