Mahigit isang buwan pa bago simulan ang 2015 Palarong Pambansa subalit umani na ang host Davao del Norte ng mataas na marka mula sa Department of Education (DepEd).
Idinekara ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro ang Davao del Norte na posibleng maging pamantayan para sa mga nagnanais na makapag-host ng mga susunod na edisyon ng Palaro.
“We were not harassed for this Palarong Pambansa 2015. ‘Way ahead of schedule, there’s been no rushing on the part of the hosts,” ani Luistro sa opisyal na paglulunsad ng event sa Bulwagan ng Lalawigan ng Davao del Norte.
“We are looking at this year as the standard or benchmark for succeeding Palaro,” dagdag ni Luistro na sinamahan sa okasyon ng iba pang DepEd officials, kabilang na sina Palarong Pambansa secretary general Undersecratary Tony Umali.
Pormal ding inilunsad sa okasyon ang DavNor Palaro website (www.davnorpalaro2015.com), ang gagamiting Palaro official music video at unang komprehensibo at 64-na pahinang guidebook na naglalaman ng hanggang sa kaliit-liitang detalye tungkol sa Palaro, kabilang na ang mga itinalagang billeting venues, transportation, medical assistance, communications, tourism, security at iba pa.
Ang DavNor Palaro 2015 guidebook na maaring ihalintulad sa Olympics at Asian Games guidebooks ang magsisilbing bibliya ng Palaro.
“It is the privilege of our province to host the Palarong Pambansa 2015, an opportunity that we finally grasped after years of thorough planning and persistence,” ayon kay Davao del Norte Governor Rodolfo del Rosario. “This is our time to prove that we have the capacity to host a prestigious national event worthy of being called ‘The Best Palaro Ever.”
“This Palaro speaks the language of the young generation,” dagdag pa ni Del Rosario. “ It is through these games that we will not only promote the youth and sports but also the province as the “Banana Capital of the Philippines. “
Bukod sa paglulunsad, idinaos din sa nasabing pagtitipon ang games’ second technical congress, executive meeting ng DepEd’s 17 regional directors at ocular ng competition venues at billeting facilities.