Bilang pagtalima sa Proclamation No. 260 na inisyu noong Setyembre 30, 2011, ang mga residente ng mahigit 42,000 barangay sa buong bansa ang magtitipun-tipon ngayon para sa Synchronized Barangay Assembly Day para sa unang kalahati ng 2015.

Sa bisa ng Memorandum Circular No. 2015 na may petsang Marso 5, 2015, inaatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang bawat barangay na magsagawa ng mga sumusunod na aktibidad: (a) ang ihatid ang State of the Barangay Address na tatalakay sa 2014 Second Semester Accomplishments, ang ipakita ang 2014 Second Semester Financial Report kabilang ang Itemized Monthly Collections and Disbursements at ang Summary of Income and Expenditures, ang magbigay ng updates sa mga programa at proyekto ng 2014; (b) talakayin ang pagtalima ng barangay sa DILG Memorandum Circular No. 2014-18 hinggil sa pagpapaskil ng Barangay Budget, Statement of Income and Expenditures, at iba pang mahahalagang financial transactions, at ang Annual Procurement Plan; at (c) talakayin ang mga isyu at mga suliraning nakaaapekto sa barangay tulad ng paghahanda sa kalamidad, solid waste management, peace and order situation (partikular na sa ilegal na droga), monitoring at mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa human trafficking sa barangay level, at mga ordinansa at batas hinggil sa mga ligaw na hayop.

Inatasan ang mga barangay na mag-imbita ng faith-based organizations sa asembliya upang talakayin ang posibleng pagtutulungang aktibidad tulad ng pagmomonitor ng mga proyekto ng barangay; paglikha ng pamamaraan upang makalahok ang mga residente sa implementasyon ng mga proyekto ng DILG, lalo na yaong implementing program upang mabawasan ang katiwalian at maitaguyod ang transparent, matapat, at epektibong local government.

Ang mga opisyal ng barangay ay maaari ring magpatupad ng iba pang aktibidad upang makalahok ang mas maraming residente sa asembliya, tulad ng pagsasagawa ng medical at dental mission, tiangge, at cultural presentations.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Kasama ng kanilang iba pang opisyal ng barangay, ang mga lokal na residente pati ang faith-based groups ay maaaring magpatupad ng joint projects na makatutulong sa pagtiyak sa transparency at mabuting pamamahala sa mga lokal na opisyal, panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, at itaguyod ang pagkakaisa at pagtutulungan sa komunidad.