UPANG maiangat ang antas ng personal shopping, ng mga celebrity, bubuo ang Manila Broadcasting Company (NBC) ng Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar sa Abril 23-25 sa Sotto Street sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex, Pasay City.

Hinihikayat ang mga interesadong magtayo ng booth at magbenta ng iba’t ibang produkto mula sa mga lalawigan — handicraft, damit, accessories at kung ano pang maaaring maibenta.

Inaasahan ang pakikiisa sa isasagawang bazaar ng mga kooperatiba, tribal showroom at mga NGO na kasali sa pagsusulong sa kampanyang “One Town, One Product” ng Department of Trade and Industry.

Ito ay isasagawa sa pagtutulungan ng NBC, Star City, CCP, Globe Telecom, Pride Detrgent, Unique Toothpaste, Tanduay Rhum, Dazz Dishwashing Paste, Coca-Cola, Dunkin Donuts, My Juiz, M Lhuillier, Cherry Mobile, Fukuda at Atrium Hotel.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20