Nahukay ng isang asong gala ang isang limang buwang fetus sa sa isang bakuran sa Bacolod City.

Sa ulat ng Bacolod City PNP, bandang 4:00 ng hapon habang naglalaro ang isang 12-anyos na babae sa kanilang bakuran sa Barangay Mansilingan nang mapansin niyang may hinuhukay ang asong gala. Agad niya itong nilapitan at nakita ang isang bote na agad ipinaalam sa kanyang mga magulang.

Nang siyasatin sa barangay ang bote ay natuklasan na lalaking fetus ang laman nito at limang buwan na.

Hindi naman matukoy ng mga awtoridad kung sino ang nagbaon ng fetus sa lugar kaya pinabindesyunan na lamang ito saka ipinalibing.

'Mauubos lang ang oras ko:' Leila De Lima, iisnabin na lang mga basher