Mahigit 300 special permit ang ipinalabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga bus sa Metro Manila na papasada sa mga lalawigan ngayong Holy Week.

Ayon kay LTFRB board member Ronaldo Corpus, epektibong magagamit ang permit mula Marso 29 hanggang Abril 6 matapos ang pagdiriwang ng Holy Week.

Aniya, karaniwang nagbibigay ng special permit ang LTFRB tuwing may mahahalagang okasyon sa bansa tulad ng Holy Week na dagsa ang bilang ng mga uuwing pasahero sa mga probinsiya.

Kaugnay nito, binalaan ni Corpus ang mga may-ari ng van na walang franchise o colorum vehicles na magsasamantalang magsakay palabas at papasok ng Metro Manila sa Semana Santa. Aabutin aniya ng P120,000 ang penalty sa sinumang may-ari ng van na mahuhuling namamasada nang walang permit sa naturang okasyon.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nagbabala rin si Corpus sa mga driver ng pampasaherong sasakyan na huwag maningil ng pamasahe na mas mataas sa itinakdang minimum fare ng LTFRB at kapag sila ay nahuli, posibleng makansela ang kanilang prangkisa.