SEYNE-LES-ALPES/PARIS (Reuters)— Ipinakita ng cockpit voice recordings mula sa German jet na bumulusok sa Alps na ang isa sa mga piloto ay lumabas ng cockpit at hindi na nagawang makapasok bago bumulusok ang eroplano, na ikinamatay ng lahat ng sakay nito, iniulat ng New York Times.
Hindi malinaw sa recordings kung bakit umalis ang pilot sa cockpit o kung bakit hindi na siya muling makapasok habang tuluy-tuloy na bumababa ang eroplano pabagsak sa liblib na bahagi ng French Alpine region noong Martes.
Pinag-aaralan na ng mga imbestigador ang voice recordings mula sa isa sa “black boxes” para sa mga kasagutan habang patuloy ang paghahanda ang ikalawang black box.
“The guy outside is knocking lightly on the door and there is no answer,” sabi ng isang hindi pinangalanang imbestigador sa Times, tinukoy ang recordings. “And then he hits the door stronger and no answer. There is never an answer. You can hear he is trying to smash the door down.”
Sinabi ng tagapagsalita ng Lufthansa, ang budget arm na Germanwings ang nagpapatakbo sa flight, na hihintayin nila ang mga karagdagang impormasyon bago bumuo ng anumang espekulasyon. “We will not take part in speculation on the causes of the crash.”