Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pampasaherong sasakyan na tatanggalan ng prangkisa sa oras na mapatunayang hindi nagbigay ng 20% diskuwento sa mga pasaherong senior citizen, estudyante, at mga may kapansanan o person w/ disabilities (PWDs), alinsunod sa batas.

Ayon sa LTFRB, ang mga lalabag sa batas sa pagtanggi sa naturang diskuwento ay pagmumultahin ng P1,000 hanggang P5,000 at kakanselahin ang kanilang franchise.

Giit ni Atty. Veronica Peralta ng LTFRB, batid ng mga tsuper ng pampasaherong sasakyan ang batas sa pagkakaloob ng 20 percent discount sa mga nabanggit subalit dahil may ilan na ayaw mabawasan ang kita, hindi nila sinusunod ang batas.

Nabatid na karamihan ng mga hindi nagbibigay ng 20 percent discount ay mga AUV Express service vehicles sa Metro Manila at karatig lalawigan kabilang din ang ilang PUJ na may terminal sa SM North Edsa sa Quezon City na may rutang QC Hall-SM North.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho