MAGPAPAKA-SENSUAL si Marion Aunor sa first ever solo concert niya na Take A Chance sa Teatrino, Greenhills sa April 10, 7:00 PM.
Kaya isinantabi muna ni Marion ang bashers sa Facebook at Instagram na kumukuwestyon kung bakit kailangan niyang mag-audition para sa Pinoy Big Brother summer edition.
Bigyan daw ni Marion ng pagkakataon ang iba dahil artista na siya at nanalo na ng ilang awards bilang bagong composer at recording artist in so short a time. Idagdag pa raw ang pagiging trending worldwide hit ng komposisyon niya para kay Kathryn Bernardo na You Don’t Know Me at ng Kiss Goodbye ni Alex Gonzaga sa debut albums ng dalawang young actress/singers.
“First of all, I’m a big fan of PBB eversince. Pangarap ko noon pa man na makita ang sarili ko na nag-i-struggle sa iba’t ibang tasks ng housemates. Hindi pa naman po ako sikat. I have been in the business for more than a year lang at alam kong malaki ang matututuhan ko sa loob ng Bahay ni Kuya. Kulang na kulang pa ang nalalaman ko. May nakasabay naman akong nag-audition din na artista na, pero hindi siya na-bash na tulad ko,” naguguluhang pahayag ni Marion.
Sinabi rin sa kanya ni Direk Lauren Dyogi na hindi na niya kailangang mag-PBB.
“I told him na I feel the need for it. Siguro, susundin ko na lang ang concern nila pareho at maghanap ng ibang paraan para madagdagan ang kaalaman ko. Maybe, they mean well and they know what’s best for me.”
Pakakawalan na lang ni Marion ang kanyang nararamdaman sa birthday concert niya with her guests Michael Pangilinan, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, Edward Venoza at nakababatang kapatid niya na si Ashley.
Pero bago ang kanyang Take A Chance concert, nakatakda rin siyang mag-perform sa mall shows sa SM Muntinlupa sa March 29, SM Las Piñas sa April 11 at sa isang hotel sa Baguio.
Malapit na ring-i-release ng Star Records ang kanyang second album na balak gawing self-titled. It’s an 11-track album kasama ang bonus cut na Pumapag-ibig, ang komposisyon para sa kanya ni Jungee Marcelo na entry nila sa Himig-Handog 2014. Tulad ng inaasahan, may sariling compositions din si Marion, bukod sa komposisyon din para sa kanya nina Jonathan Manalo at Joven Tan (yes, ang nag-compose ng award-winning song ni Aiza Seguerra na Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa, at sa Pare, Mahal Mo Raw Ako ni Michael Pangilinan.
Kung dati’y kasing hinhin siya ng kanyang loving mommy, si Maribel “Lala”Aunor, unti-unti nang nagiging “sensual” si Marion na hinihingi ng pagkakataon.
Pakinggan ang ika nga’y distinct Aunor sound ni Marion which has captivated those who have heard her sing. It’s relaxed, natural singing inherent to the Aunors.
“I told my mom, ‘I wish my voice can be much higher. Di ba uso dito sa Philippines ang bumibirit? ‘Sa family natin, hindi tayo mga biritera. Even si Tita Nora mo hindi bumibirit,’ kuwento niyang sagot ng kanyang mom. “Parang may distinct quality lang daw ang singing style namin. After she told me that, I felt better and natutuwa akong so far, ina-accept ng audience ang singing style na ito kahit hindi birit,” sabi pa ni Marion.