SINGAPORE (AP) – Dahil sa lumalalang karamdaman ng founding prime minister ng Singapore na si Lee Kuan Yew, libu-libong Singaporean ang bumisita sa ospital at community center upang mag-alay ng bulaklak, regalo at mensahe bilang pagbibigay suporta sa pinakaimpluwensiyang tao sa estado.

Naospital si Lee, 91, noong unang bahagi ng Pebrero dahil sa malalang pneumonia. Sa nagdaang linggo ay lumala ang kanyang kondisyon at araw-araw na nagbibigay ng update ang gobyerno.

Kahapon, nakasaad sa latest update na siya ay “weakened further”.

Ipagdiriwang ni Lee ang ika-50 anibersaryo ng pagiging malaya ng Singapore, na pinamunuan niya nang mahigit tatlong dekada hanggang 1990, at siya ang responsable sa pagpapaunlad sa dating hikahos na isla.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras