MEMPHIS, Tenn. (AP)– Nagtala si Jeff Green ng 23 puntos at umiskor si Mike Conley ng 21, kasama ang 9 assists, upang pangunahan ang Memphis Grizzlies sa 97-86 panalo laban sa Portland Trail Blazers kahapon.

Nagdagdag si Zach Randolph ng 17 puntos para sa Memphis na nagwagi ng dalawang sunod. Gumawa si Marc Gasol ng 13 puntos at nagtapos si Tony Allen na may 10 puntos at 11 rebounds.

Pinangunahan ni Damian Lillard ang Trail Blazers sa kanyang 27 puntos at 7 assists. Gumawa si LaMarcus Aldridge ng 16 puntos, ngunit hindi naglaro sa second half dahil sa injury sa kaliwang kamay. Nagposte si C.J. McCollum ng 13 puntos habang 10 naman ang isinalansan ni Dorell Wright.

Naglaro rin ang Trail Blazers sa second half na wala ang starting forward na si Nicolas Batum, na na-sideline dahil sa lower back pain. Sinabi ng koponan na negatibo ang X-rays sa kamay ni Aldridge.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

‘’We’ve got our backs up against the wall right now,’’ sabi ng guard na si Lillard. ‘’Lose four tough games and now we’ve got two guys go down.’’

Nagbalik si Green sa starting lineup ng Memphis matapos ang pagbabago laban sa Dallas noong Biyernes ng gabi kung saan siya ay nagmula sa bench. Muling nakuha ni Green ang starting status nang hindi maglaro si Courtney Lee dahil sa injured right hand.

Gumagapang ang Blazers sa Western Conference standings noong isang linggo. Ngunit ang kanilang losing skid ang muling nagpabagsak sa kanila sa gitna ng playoff standings.

‘’It was a tough game to begin with and after (the injuries) it became a little more tough,’’ saad ni Lillard. ‘’But I think we’re still a good team. We’ve just got to keep playing and keep believing and we’ll be fine.’’

Ang Memphis ay may 42 porsiyento kumpara sa 43 ng Portland. Ngunit ang Memphis ay 11-of-18 mula sa arko. Ang 11 3-pointers ang ikalawang season-high ng Memphis.

‘’The 3-point line was the difference,’’ ayon kay Portland coach Terry Stotts. ‘’They made a good amount of 3s for them. I like the way we competed. It was a tough game, and we knew it was going to be a tough game on the road.’’

Resulta ng ibang laro:

Brooklyn 123, Indiana 111

Detroit 107, Chicago 91

Phoenix 117, Houston 102

Golden State 106, Utah 91