Lebron James

MILWAUKEE (AP)– Isang dunk mula kay LeBron James ang nag-umpisa ng run para sa Cleveland Cavaliers.

Mula doon, dinomina ng Central Division leaders ang batang Milwaukee Bucks.

Umiskor si James ng 28 puntos, tinipa ni J.R. Smith ang 23 puntos at inumpisahan ng Cleveland ang kanilang three-game road trip sa pamamagitan ng 108-90 panalo sa Milwaukee kahapon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naghabol ang Cavaliers sa 9 sa halftime at 11 sa third quarter. Nagmukhang puno ng buhay ang Bucks sa kanilang home floor habang target na tapusin ang kanilang losing streak. Ngunit si James ang huling salita.

Una, sinita niya ang mga kakampi sa halftime.

‘’I was frustrated with our play,’’ ani James. ‘’I know when to press the button when need be and tonight was one of those nights when I needed to press the button.’’

Gumawa si Smith ng tatlong sunod na 3s sa kanilang 26-5 run na nag-umpisa sa dunk ni James, at tinulungan ang Cleveland na makuha ang 93-78 sa huling 6:19. Ang huling 3s ay nagmula sa naagaw na pasa ni John Henson para sa ika-23 turnover ng Bucks.

‘’For any team, not just LeBron, when you give those guys free opportunities like that, they’re going to make you pay for it and they did,’’ sinabi ni Bucks coach Jason Kidd.

Ang dunk ni James mula sa isang nablangkang attempt ang naglapit sa Cavs sa 73-69 sa nalalabing 1:19 ng third quarter at nagpasiklab sa kanilang malaking run. Nahadlangan ni James ang Bucks sa puntong ito, 19-17.

‘’I think our communication ramped up. We were just flying around and helping one another,’’ ayon kay James, na 10-of-17 mula sa field at humatak ng 10 boards.

Nalaglag ang Milwaukee sa anim na sunod na pagkatalo.

Si Giannis Antetokounmpo ay nagtala ng 15 puntos at 9 rebounds para sa Bucks. Nakipagsabayan ang forward kontra kay James sa maagang bahagi ng laro upang tulungan ang Milwaukee na maitayo ang 11 puntos na bentahe.

Ngunit nagkamit ang Milwaukee ng sunud-sunod na turnovers. Si Michael Carter-Williams ay nagtapos na may 19 puntos, 5 assists at anim na turnovers, habang si Khris Middleton ay mayroon namang 15 puntos, 7 assists at 5 turnovers.

‘’That puts our defense in a bad situation, and a lot of pressure on your defense,’’ sambit ni Kidd tungkol sa kanilang miscues.

Resulta ng ibang laro:

San Antonio 114, Atlanta 95

Oklahoma City 93, Miami 75

LA Clippers 107, New Orleans 100

Toronto 106, New York 89

Detroit 105, Boston 97 (OT)

Denver 119, Orlando 100

Sacramento 109, Washington 86

Charlotte 109, Minnesota 98

Phoenix 98, Dallas 92

LA Lakers 101, Philadelphia 87