TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Isang sundalo ang namatay habang sugatan naman ang kasama niya matapos silang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang nag-iinuman sa pakikipista sa Barangay San Jose sa San Mariano, Isabela noong Sabado.

Kinilala ni Senior Insp. Bonifacio Gannaban, hepe ng San Mariano Police, ang napatay na si Sergeant Roy Gapay, commander ng Patrol Base ng 77th Civilian Auxilary Forces Geographical Unit (CAFGU) ng Philippine Army na nakabase sa nasabing barangay.

Nasugatan naman si Bobbit Dela Torre, miyembro ng CAFGU.

Napaulat na agad na nasawi si Gapay makaraang pagbabarilin sila ng mga suspek dakong 3:40 ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang miyembro ng CAFGU, na malubhang nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan, ay agad na nadala sa pagamutan. (Freddie G. Lazaro)