CAGAYAN DE ORO CITY – Dalawang katao ang nasawi sa isang sunog sa mataong lugar sa Barangay 35 sa siyudad na ito noong Huwebes ng hapon.

Sinabi ni Senior Supt. Shirley Teleron, city fire marshal, na sunog na sunog nang natagpuan sa loob ng kanilang bahay ang mga labi ni Jason Dumagat at ng pamangkin niyang si Jery, kapwa residente sa isang slum area sa Yacapin Street sa Barangay 35.

Limang iba pa ang nasugatan sa sunog na nagsimula dakong 2:40 ng hapon sa bahay ng isang Inday. Naapula ang sunog makalipas ang mahigit dalawang oras at may 200 bahay ang natupok, at nasa 2,000 pamilya ang naapektuhan.

Tinaya ni Teleron sa P10 milyon ang pinsala ng sunog. - Camcer Ordoñez Imam

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget