BACARRA, Ilocos Norte – Isang barangay chairman ang nasagasaan makaraang mahulog mula sa sumemplang niyang motorsiklo sa national highway ng Barangay Corocor, Bacarra, Ilocos Norte noong Marso 15 ng gabi.

Kinumpirma kahapon ni Senior Insp. Jephre Taccad, hepe ng Bacarra Police, ang pagkamatay ni Felix Mendoza, chairman ng Barangay Cadaratan sa Bacarra.

Pauwi na si Mendoza sakay sa kanyang motorsiklo matapos dumalo sa pulong nang aksidente niyang mabundol ang isang aso at sumemplang ang motorsiklo.

Kasunod nito, nasagasaan siya ng magkakasunod na sports utility vehicle at agad na namatay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tinutukoy na ngayon ng awtoridad kung aling sasakyan ang nakasagasa kay Mendoza. (Freddie G. Lazaro)