KUALA LUMPUR, Malaysia (AFP)– Pinalaya matapos magpiyansa ang panganay na anak na babae ng nakulong na opposition leader ng Malaysia na si Anwar Ibrahim noong Martes matapos siyang magdamag na ikulong sa kasong sedition, habang kinondena ng mga tagasuporta at ng United States ang kanyang detention.

Kinumpirma ni Nurul Izzah, 34, miyembro ng parliament at popular na public figure, ang kanyang paglaya sa pamamagitan ng telepono sa AFP.

Sinabi ni Kuala Lumpur Criminal Investigation Department chief Zainuddin Ahmad na si Nurul ay pinalaya matapos magpiyansa dakong 12.30 pm (0430 GMT) makaraang magdamag na ikulong sa isang police detention center, kung saan 500 sa kanyang mga tagasuporta ay nagdaos ng candlelight vigil.

“I was kept alone in the lockup last night. Only this morning they questioned me for 20 minutes regarding the speech I made in parliament. I am sure they will charge me for sedition,” aniya sa AFP.
National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act