AGONCILLO, Batangas - Mahigit dalawang oras na na-trap sa sunog ang isang negosyante na natagpuang bangkay sa Agoncillo, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Luis Catibog, 35, taga-Barangay Banyaga, Agoncillo.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 12:30 ng umaga noong Marso 15 nang masunog ang vulcanizing shop at computer shop na pag-aari ni Catibog.

Kaagad rumesponde ang mga operatiba ng Agoncillo Bureau of Fire Protection at naapula ang sunog dakong 3:00 ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Natagpuan ng mga awtoridad ang sunog na bangkay ng biktima sa loob ng computer shop at tinaya sa P200,000 ang halaga ng mga ari-ariang natupok.