Ramdam ng Arellano University ang pagkawala ng mga beteranong sina Prince Caperal, Levi Hernandez, Isiah Cirizcruz at John Pinto matapos yumukod sa nakatunggaling University of Perpetual Help System Dalta, 70-79 sa finals ng katatapos na Fr. Martin Collegiate Open Cup sa Fart Eastern University Gym sa Morayta kahapon.

Gaya ng inaasahan, nanguna para sa Altas ang reigning NCAA MVP na si Scotie Thompson kasama ang Cameroonian na si Akhuete Bright at beteranong forward na si Kevin Oliveria.

Nagposte si Thompson ng 17 puntos kasunod ng sentrong si Bright na may 18 puntos habang nag-ambag naman si Oliveria ng 15 puntos upang pangunahan ang Altas sa kanilang ikalawang titulo sa Fr. Martin tournament.

Halos mag-isa namang binalikat ng Most Improve Player noong nakaraang taon at kasalukuyang miyembro ng Sinag Pilipinas national pool na si Jiovanni Jalalon ang laban para sa Chiefs matapos magtala ng game-high 20 puntos.

National

Alice Guo at iba pa, posibleng makasuhan ng 62 counts of money laundering

“Masyado pang maaga para magbigay ng prediction, pero gaya ng dati, gagawin namin lahat ng makakaya namin para umabot sa ultimate target namin ngayong taon,” pahayag ni Altas coach Lester del Rosario na tinutukoy ang asam na finals appearance sa NCAA na nakatakdang magbukas ng kanilang 91st season, mahigit dalawang buwan na lamang ang hinihintay mula ngayon.