Sa mga namumuno sa larangan ng batas sa Pilipinas, hindi ba tayo nahihiya? Kaming mga nasa Simbahang Katoliko ay hindi sang-ayon sa Death Penalty. Pero sobra na ito. Nagtataka ang Coalition Against Death Penalty kung bakit pinayagang makapagpiyansa at nakalaya ang isa sa suspek sa Maguindanao Massacre noong 2009. Si Sajid Islam Ampatuan anak ng dating Maguindao Governor Andal Ampatuan ay pinahintulutan ng korte na pansamantalang makalaya matapos na magbayad ng bail na nagkakahalaga ng higit sa P11 milyon para sa 58 counts of murder.

Suspek sa sikat na kaso ng serious illegal detention, basta-basta na rin lang nakakalaya. Mga hinatulan na may kaya, makapangyarihan, nakalalabas ng bilangguan. Sa DEATH PENALTY po kami hindi sang-ayon. Pero sobra na ito. Kulong na nga lang eh, ’ala pa.

Sa likod ng paghihikahos ng ating mga kapatid na nagtatatrabaho sa ibang bansa, ito ang kanilang uuwiang bansa. Ganito ang sistema. Dami na nating binotong matatalinong Presidente, di man lang nabago a napaunlad ang sistema ng hustisya. Hindi na ba talaga tayo mahihiya?

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kayo namang 40 pamilya na sinasabing nagmamayari ng karamihan sa Pilipinas, hindi ninyo man lang ba ito gagawan na ng paraan? Paano pa kaya kung kayong 40 pamilya ang mangunguna at maniniguro sa isang movement na maglalayong pabutihin ang sistema ng hustisya sa ating bayan. Eh, di ba inyo nga ang karamihan ng Pilipinas, palagay niyo walang magbabago?

Kung ako ay isang mambabatas, mahihiya ako (o pustahan tayo may mamimilosopo pa d’yan) lalo na siguro kung ako ay nasa Supreme Court. At lalung-lalo na kung ako ang Pangulo. Kung ako naman ay miyembro ng 40 pamilya lalo na nung sampung pinakamayaman ay mahihiya ako at kikilos na ako.

Wala na akong masabi, except sobra na ito.