Ipagpapatuloy natin ngayon ang pagtalakay sa mga habit na magpapatanda agad sa hitsura natin. Binaggit natin kahapon na isa sa mga habit na iyon ay ang sobrang pagkapagod. May epekto ito sa kalusugan na nakikita sa mukha.

Narito pa ang isang habit na magpapatanda sa iyo agad:

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Nag-ehersisyo ka lang para magpapayat. – Humanga ako noon sa aking amiga na laging laman ng dance studio. Nag-enroll siya sa ballroom dancing at halos gabi-gabi ay nagsasayaw siya sa studio. Malaki ang naging improvement sa kanyang pangangatawan. Lagi siyang masayahin. Ngunit nang bumagyo, hindi siya nakadalo sa sesyon. Kinabukasan, hindi rin siya sumayaw dahil may inasikasong iba. Naging ugali na niya ang paglalaktaw ng sesyon hanggang tuluyan na siyang hindi dumadalo. Pagkalipas ng ilang buwan, chubby na siya at nagmukhang mas matanda.

Isa sa pinakamainam na pampamukhang-bata ang exercise, ngunit marami sa atin ang hindi pinakikinabangan ang benefits nito dahil iniuugnay natin ang physical activity na ito sa pagpapayat. Kung layunin mong magpunta sa gym nang dalawang linggo upang magbawas ng timbang, at pagkatapos ay magpahinga sa loob ng apat na buwan, hindi mo magagamit ang health benefits ng exercise. Ipinakikita sa pag-aaral na kapag tuluy-tuloy ang exercise, maaaring labanan ang pagkabagal ng pag-iisip at naiiwasan ang type 3 diabetes at iba pang sakit na lumilitaw habang tayo ay tumatanda.

Huwag mong hayaang maalikabukan ang iyong rubber shoes. Pumili ka ng isang activity na talagang mae-enjoy mo tulad ng paglalakad, pagbibisekleta, o pagsasayaw – at targetin mo ang minimum na 20 hanggang 25 minutong sesyon bawat araw.

Unti-unti mong dagdagan ang paglalagi mo sa gym, ang itatagal mo roon, at tindi ng exercise. Kapag nakaligtaan mo ang isang araw, huwag mong hayaang maging habit iyon. Tiyakin na makapag-e-exercise ka sa susunod na araw.