Mas pinaigting pa ng mga kawal ng gobyerno ang all-out offensive laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nagtatago sa mga liblib na bayan sa Maguindanao.
Pinag-iingat ng Philippine Marines ang mga sundalo sa kanilang operasyon laban sa BIFF dahil gumagamit na umano ng lason ang mga rebelde.
Ito ang babala ni Marine Brigade Landing Team 1 (MBLT-1) Commander Colonel Emmanuel Salamat, sa mga sundalo sa makaraang mabatid niya na gumagamit na umano ng lason ang mga rebelde BIFF na inilalagay sa mga pagkain, prutas at inuming tubig.
Mariing itinanggi Abu Misry Mama, tagapagsalita ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM), ang akusasyon ng militar.
Iniulat ng militar na tinatayang 100 mahigit na ang patay sa panig ng BIFF, subalit ito’y nilinaw ni Mama na isa lang ang namatay at dalawa ang nasugatan sa kanilang grupo.
Sinabi na Mama, na dumarami ang suportang na natatanggap ng kanilang grupo mula sa mga negosyante tulad ng mga bala at armas.
Nagpapatuloy pa ang air-to-ground assault ng militar laban sa BIFF at Justice Islamic Movement (JIM) sa mga bayan ng Mamasapano, Datu Piang, Datu Saudi Ampatuan,Datu Salibo, Mamasapano, Shariff Aguak at Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.