rachelle ann go

HINDI na magre-renew si Rachelle Ann Go sa papel niya bilang Gigi Van Tranh sa Miss Saigon, tatapusin na lang niya ang kontrata niya hanggang Mayo 9 ng kasalukuyang taon.

Matatandaang sinulat namin kamakailan na malalaman kung magre-renew pa ng kontrata si Rachelle Ann pag-uwi niya ng Pilipinas para sa promo ng soundtrack album ng Walt Disney film na Cinderella na showing na simula kahapon.

“As of now, pinag-iisipan ko pa what I want to do next,” pagtatapat ni Rachelle Ann. “Pero nakapag-decide na ako that I’m not gonna extend anymore as Gigi. So, last show ko sa Miss Saigon sa May 9. After that, I still don’t know.”

Mapayapa, nagkakaisang Pilipinas 'di matitinag, babangon sa gitna ng hamon—VP Sara

Nabanggit niya noong unang uwi niya ng Pilipinas na gusto niyang subukan ang musical play na Les Misérables at gusto niya ang papel na Fantine, ang orphan na nabuntis at inabandona

“I actually told the company that I wanna try other roles. So, naging open naman ako. Sabi ko, Wicked and Les Misérables also. Hindi ko pa alam. I still don’t know what’s gonna happen,” kuwento ng dalaga.

Sa isang taon ni Rachelle Ann sa Miss Saigon bilang Gigi ay napansin kaagad siya at nanalo bilang Best Featured Actress in A Musical sa 2014 Broadway World West End Awards.

“Naku! Hindi pa rin ako makapaniwala na na-recognize din ako. Pero kung ako ang papapiliin, I wanna move on, I wanna try a different musical. As an artist, I wanna grow also and learn other things. I’m very thankful. I didn’t expect anything. I just went to London to pursue what I love to do, to pursue my dream, not expecting that I’m gonna win an award.

“I just love to perform, that’s it. Ngayon, nagsusunud-sunod lang yung mga nangyayari,” pahayag ni Rachelle Ann.

Masaya rin ang dalaga na siya ang napiling kumanta ng soundtrack ng Cinderella para sa promo rito sa Pilipinas. Napanood na ang music video nito sa Disney Channel and Disney ChannelAsia YouTube Channel simula noong March 7.

“When I heard about it, sabi ko, ‘totoo ba ‘to? Siguraduhin mo muna!’ because they called my management here in the Philippines and they said they want me to sing the song nga. And then andu’n sa London, medyo busy nga ‘cause I do eight shows a week for Miss Saigon so nu’ng nalaman ko ‘yun, of course I was so thankful and willing daw silang pumunta sa London to record and shoot the music video. So ‘yun, ginawa namin ‘yun sa Sunday habang day off ko. So yeah, it was amazing.

“Nu’ng plinay ‘yung music, bumalik lahat ng childhood memories ko, so ‘yun. Naaalala ko ‘yung pagkabata ko.”

Kuwento naman ng manager ni Rachelle Ann na si Erickson Raymundo, “Nakakatuwa kasi nagustuhan siya, ‘tapos ginastusan talaga ang pamasahe namin kasama pa mommy niya para pumunta ng London, actually hindi alam ni Shin (palayaw ng dalaga), surprise kasi ‘yun, so habang nagre-record siya, dumating kami sa studio, ‘tapos tinawag siya ng mommy niya, nagulat siya.”

Nakunan ng VTR ang pagdating ng manager at mommy ni Rachelle Ann sa London at very touching ang pagkikita nilang mag-ina dahil hindi nga alam ng dalaga.

Palihim naming tinanong si Rachelle Ann kung bakit ayaw na niyang mag-renew at sinabi pa naming sayang naman at maraming nag-aambisyon na mapasama sa Miss Saigon.

“Ate, nakakapagod na, I do eight shows a week, saka gusto ko namang sumubok ng iba,” katwiran niya.

‘Bored or burn out ka na?’ balik-tanong naming.

“Hindi naman, siguro pagod lang,” mabilis na sagot niya. –Reggee Bonoan