MAYANTOC, Tarlac - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang magsasaka sa Barangay Bigbiga, Mayantoc, Tarlac na sinugod ng apat na armado at pinagbabaril.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan si Zaldy Lardizabal, 35, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Dexter Candelario Rivera, nakaupo ang biktima sa harap ng gate ng kanyang bahay nang biglang dumating ang apat na armado na nakasakay sa motorsiklo.

Ayon sa report, tatlong bala ang lumusot sa katawan ni Lardizabal na nakuha pang makatakbo nang 40 metro pero sinundan siya ng mga suspek at muling pinagbabaril.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Malaki ang suspetsa ng awtoridad na maaaring may matinding personal na atraso ang magsasaka kaya siya pinagbabaril.