Nagtala ng 16 puntos si UAAP season 77 MVP Mike Nieto habang nag-ambag naman ng tig-15 puntos sina Jolo Go at Brandey Bienes para pangunahan ang All Star Red team tungo sa 106-97, panalo kontra sa All Star White sa Sea Oil NBTC National High School Championships All Star Game sa Meralco Gym.

Nag ambag din ng tig 11 puntos sina jerrick Balanza at Fran Yu para sa naturang panalo ng Red na ginabayan ni NCAA champion coach JV Sison ng San Beda.

“Sobrang saya po kasi nabigyan ng pagkakataon na makapaglaro together with the best high school players in Metro Manila,” ani Nieto na nakatapat pa sa kalabang koponan ang kakambal na si Matthew Nieto at kanilang coach sa Ateneo na si Joe Silva.

“Nagpapasalamat po ako kina coach Eric Altamirano sa chance na maipakita at mai-showcase ang talent ko,” dagdag pa ni Nieto.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tumapos na topscorer para sa White Teamj si JV Gallego na nagtala ng 16 puntos at sumunod si Matthew Nieto na may 14 puntos.