Nick Gordon and Michelle

TILA epektibo ang pamamaraan ni Dr. Phil.

Kasalukuyang ginagamot sa rehab ang kasintahan ni Bobbi Kristina na si Nick Gordon matapos makapanayam ng TV doctor, ayon sa mga ulat na lumalabas. Sa inilarawang “emotionally charged intervention,” umupo si Dr. Phil sa tabi ni Gordon at ng kanyang ina na si Michelle Gordon sa isang episode ng palabas na mapapanood sa susunod ng linggo. Nahayag sa naturang guesting na si Gordon pala ay kasalukuyang lumalaban kontra alcohol at drug addiction.

Base sa inilabas na press release para sa naturang palabas, si Nick “expresses the severe pain, mental anguish and panic attacks he says he has been suffering since Brown was found face down and unresponsive in a bathtub in her home in January and over the tragic loss of Whitney Houston three years ago.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“As we sit here right now, my son’s life hangs in the balance,” pahayag ni Michelle. “When Whitney was found, he administered CPR to her and called me as he was standing in front of her saying, ‘Mom, why couldn’t I do it? I couldn’t get air into her lungs.’ He won’t let go of the guilt.”

Inampon ni Whiney Houston si Nick noong 12 taong gulang pa lamang ito dahil nang mga panahong iyon ay walang pakialam sa kanya ang ina. Pinalaki ng singer si Nick at itinuring na tunay na anak, kasama ang anak nitong si Bobbi. Lumalim ang relasyon at higit sa magkapatid ang naging turingan nila nang pumanaw si Houston.

Ngayong lingo, nagpahayag si Gordon ng kanyang saloobin sa Twitter.

“I’m so hurt I wanna do myself in, I know I have to strong” pahayag niya.

Hindi lamang doon natapos. Muli siyang nagpahayag at sinabing: “I love @REALbkBrown so much I admit I’m so scared if anything happens to her i don’t know what to do”. - Yahoo News/Celebrity