Karla Estrada

ISA si Karla Estrada sa mga mapapanood sa Your Face Sounds Familiar na magsisimula na sa Marso 14, Sabado at 15, Linggo.

Mahilig sumali sa singing contest si Karla tulad sa katatapos na season ng The Voice na hindi naman siya pumasa sa blind audition pero hindi iyon naging dahilan para huminto siya. Sabi nga, try and try until you succeed. 

Ito kasi talaga ang hilig niya, kumanta. Ang worry lang niya ay hindi niya alam kung sino ang gagayahin niya dahil magpapalabunutan sila.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

At dahil siya lang ang naiiba sa celebrities na kasama niya sa programa ay magpapayat daw siya.

“May conscious effort naman akong magpapayat, pero sa ngayon pananatilihin ko muna ng tatlong buwang ganito (mataba) para may pagkakaiba naman ako roon sa mga sexy or else, pare-pareho na kami.

“Ang iniisip ko lang, ang laki ko baka hindi ako makasayaw, unfair sa iba, pero kung kailangan kong sumayaw, why not, magre-Wrecking Ball nga raw ako, kaya lang sabi ni Magui (pangatlong anak niya), ‘you’re gonna wreck the ball mama,” natawang kuwento ni Karla.

Naitanong namin kay Karla ang isyung kinasasangkutan ngayon ng anak niyang si Daniel Padilla na itinuturing dahilan ng hiwalayan nina Jasmin Curtis at Sam Concepcion.

“Ay, hindi naman totoo ‘yun. Hindi gagawin ng anak ko ang manira. Kung sino man, kung ano man ang nangyari, wala tayong pakialam ro’n. At matatanda na rin lahat, so sila na ang nagdesisyon nu’n. Walang kinalaman ang anak ko,” mariin sabi ng aktres.

Binanggit naming kay Karla ang pagiging humble pa rin ni Daniel hanggang ngayon, na mauugat naman siyempre sa magandang pagpapalaki niya.

“Punung-puno ng guidance ‘yun. Everytime na meron kaming pagkakataon, ang style ko kasi, inuupo ko ‘yan sa kuwarto. Du’n ko sinasabi lahat, walang edit-edit. Lahat ‘yan, ‘Alam mo kung sa’n ka mapupunta, ano’ng paglalagyan mo, ‘eto ang katotohanan, ‘eto ang hindi’. Diretso ‘yun.”

May nagtanong kung pati sa pre-marital sex ay pinapayuhan ni Karla ang anak na na kaagad naman niyang sinagot.

“Siyempre. Open kami. ‘Tapos tatayuan ka na niya, aalis siya, mabubuwisit siya, nahihiya siya, eh!” tumatawang kuwento ng mama ni DJ. “Sinasabi ko, ‘’Yung totoo na ang panandaliang kaligayahan ay nagiging taon o habang panahon na pagsisisihan mo. So, lagi kang mag-iingat’. ‘Tapos sasabihin niya,  ‘Ma, ano ba ‘yan?’ ‘Tapos tatakbo na ‘yan. Ayaw niya ‘yun. Pero kasi pinangungunahan ko.”

Nabanggit na rin lang ang pre-marital sex, diretso na naming tinanong ang nanay ni Daniel kung sa tingin niya ay virgin pa ito.

“Ay, hindi ako ang para sumagot du’n. Pero I would like to think, yes,” natawang sabi ni Karla. Humirit pa, “Baka ‘yung isang anak ko, kasi pilyo ‘yun, ha-ha-ha, eh, sinabi ko raw nang naka-tape ako?” tumatawang sabi ng aktres.

Hindi naman itinanggi ni Karla na lalaki at hindi perpekto si Daniel, pero kilala raw niya ang anak.

“I know my son very well. Hindi siya santo. Huwag natin isipin na ganu’n. Pero ako, sinasabi ko, he’s very conservative.” 

Dahil ba nagmana sa mga Padilla si Daniel, kaya nga nasa isip ng mga tao na babaero ang aktor.

“Actually, huwag natin anuhin ‘yung mana-mana. Dahil lahat naman ng lalaki, talagang mahilig sa magagandang babae, di ba? So, wala po sa apelyido ‘yan. Nagkataon lang na nakikita natin sa pelikula at naisusulat because sila ay nasa pinilakang-tabing, sila ‘yung napag-uusapan. Pero hindi lang Padilla. Ang dami natin diyan.”  

Isa pang hirit ng mga katoto, sa tingin ba ni Karla ay magdyowa na sina Daniel at Kathryn Bernardo?

“Ibibigay ko na ‘to sa dalawa. Fourteen years old pa lang, magkaibigan na sila. So, kung anuman ang desisyon nila ngayong disinuwebe na sila pareho, malamang kaya na nilang sagutin ‘yun,” sagot ng ina ng teen king.    

“Bilang ina, sa nakikita ko, mas malalim ang pagkakaibigan. Du’n sa pagkakaibigan higit pa, mas ‘di ‘yun maarok. Parang mas mawiwindang ‘yung pagsasama kapag nahaluan ng (relasyon) kaya mas pinalalim ‘yung friendship. Actually ‘yun, eh, kasi naghilahan pataas, eh,” magandang pagkakalarawan ni Karla sa samahan nina Daniel at Kathryn.