Adrian Bernardo (30)and team mate Inigo Untalan of Ateneo tag Carlos Munoz of De La Salle at the second base (out) during the UAAP baseball held at Rizal Baseball field manila.Photo by ROY DOMINGO

Humakbang palapit sa inaasam na 3-peat ang Ateneo de Manila Blue Eagles makaraang durugin ang mahigpit na karibal na De La Salle, 7-3, sa Game One ng UAAP Season 77 baseball championship series sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Isang two-run single ang itinala ni dating league MVP Matt Laurel sa fourth inning upang makabig ng Blue Eagles ang 4-3 at hindi na muli pang lumingon para makamit ang 1-0 bentahe sa serye.

Pagdating sa sixth inning, dito na sila humataw sa iskor na 6-3 matapos isagawa ni Dio Remollo ang two-run single.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inaasahang kukubrahin na ng Ateneo ang hangad na ikatlong sunod na kampeonato sa sa muling paghaharap nila ng Green Batters sa Game 2 sa Huwebes.

“Our three straight losses served as a wake up call for us. We were able to adjust and I think we have a flawless game sa defense,” pahayag ni Ateneo coach Randy Dizer.

“As much as possible, we want to get Game 2, we don’t want Game 3. Dominating din ang mga pitchers nila (Green Batters),” dagdag nito.

Maganda pa ang naging simula ng La Salle sa ipinakitang impresibong pitching ni rookie Boo Barandiaran na nagawang ma-struck out ang batters habang nakatatlo naman ang pumalit sa kanya na si Carlos Munoz.

Matapos maunahan ang Ateneo ng isang run, lumamang pa ang Green Batters, 3-1, sa second inning matapos na itinala ni Carly Laurel ang two-run single sa centerfield.

Bukod sa dalawang RBIs, nagposte si Matt Laurel ng dalawang walks para sa Eagles.