LUPAO, Nueva Ecija - Nagawa pang magpaalam sa ina bago nagpatiwakal ang isang 27-anyos na binata na matagal na umanong may diperensiya sa pag-iisip, makaraang magbigti sa loob ng kanyang kuwarto sa Purok 5, Barangay Bagong Flores ng bayang ito, kamakalawa.

Sa ulat ni Insp. Manuel Catacutan, hepe ng Lupao Police, kay Senior Supt. Crizaldo Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, kinilala ang nagpakamatay na si Anthony Aquino y Imperio, na natagpuang nakabitin sa nakabitin sa kisame ng bahay.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Winfield N. Sarmiento, dakong 2:40 ng hapon ng nagtungo sa pulisya ang isang Arturo Imperio, 70, para i-report ang pagpapatiwakal sa kanilang lugar.

Ayon sa imbestigasyon, nakausap pa ng binata ang inang si Luzviminda Aquino, 51, dakong 1:30 ng hapon at sinabihan ito ng, “Umuwi na kayo, Inay, matutulog na ako.”

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Sinabi ng ginang na regular pasyente sa isang mental institution ang kanyang anak.