IMBITADO si Gretchen Barretto sa debut ng pamangkin niyang si Julia Barretto sa March 10 at kung dadalo si Gretchen at ang kapatid na si Claudine Barretto, first time magkikita at magkakaharap ang dalawa after a long, long time.

Ang sabi, pinadalhan na si Gretchen ng imbitasyon sa debut ni Julia, pero, hindi makadadalo si Gretchen, hindi dahil ayaw makita si Claudine at si Marjorie Barretto, ina ni Julia na kaalitan din niya.

Noong una ay magkakampi sina Gretchen at Marjorie against Claudine na kakampi naman ang parents nila.

Ang mas malaking rason, wala sa bansa si Gretchen sa March 10 dahil sa March 9, lilipad siya patungong London para mag-celebrate ng birthday kapiling ang anak na si Dominique Cojuangco. Birthday ni Gretchen ngayong Biyernes at last week pa, nag-celebrate na siya ng birthday in advance dahil tutungo nga siya ng London.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Gusto niyang makapiling ang unica hija niyang si Dominique sa 45th birthday niya. Dadalo lang siya sa Star Awards for Movies sa March 8, na nominado siyang best supporting actress para sa pelikulang The Trial ng Star Cinema at kinabukasan, lilipad na siya tungong London.

Nakakatuwa si Gretchen dahil kahit dalaga na si Dominique, “My little one” pa rin ang tawag niya rito at “My Tony” naman ang kanyang terms of endearment sa partner niyang si Tony Cojuangco. (Nitz Miralles)