KASAMA ni Sunshine Dizon sa presscon ng Pari Koy  ang panganay niyang si Doreen na ‘pag tinatanong daw niya kung gustong mag-artista ay “no” agad ang sagot dahil ang gusto nito ay maging doctor. Pero nang tanungin namin ang three-year-old kung gustong mag-artista, “yes” ang sagot na ikinatawa ni Sunshine.

Sunshine DizonSabi tuloy ng aktres, hindi niya pipigilan ang anak kung gustong mag-artista lalo na kung lalabas na mahusay na aktres, gaya niya. Kailangan lang daw ay priority pa rin nito ang pag-aaral.

Isa si Sunshine sa contract stars ng GMA Network na hindi nawawalan ng project at magaganda ang shows na ibinibigay sa kanya. After Strawberry Lane, dito sa Pari ‘Koy siya magpapakita ng husay sa pag-arte bilang secretary ng church at ina niJillian Ward at inaabuso at sinasaktan ng asawang si Carlo Gonzales.

Ngayon lang uli nagkatrabaho sina Sunshine at Dingdong Dantes at sa mga eksenang nakunan na ni Direk Maryo J. delos Reyes, nakita ni Sunshine na mas may lalim na ang acting ng aktor. As a person, nakikita niyang mas happy  at calmer ito ngayon at naiisip niyang dahil sa masaya ang married life at dahil sa asawang si Marian Rivera.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Pinag-react ng press people si Sunshine sa sinasabing kamukha ng Korean superstar na si Lee Min Hoang husband niyang si Timothy Tanat masuwerte siya rito.

“Ang saya-saya naman! May mga nagsasabi ngang kamukha niya si Lee Min Ho, salamat naman at marami ang naguguwapuhan sa kanya. I’m just very, very lucky dahil bukod sa sinasabi ng fans na guwapo ang asawa ko, he’s also a good provider,” sagot ni Sunshine.

Anyway, sa Monday, March 9, ang pilot ng Pari Koy sa GMA-7, pagkatapos ng 24 Oras. Pasabog ang pilot episode at hanggang sa second day siguro sa rami ng guests. Nakita namin sa teaser ng serye sinaMark Herras, Kris Bernal, Sheena Halili, Rita de Guzman, Mike Tan, Andrea del Rosario, Leandro Baldemor at marami pang iba. --Nitz Miralles