Jodi Sta Maria

PINAYAGAN ng Sandiganbayan si Sen. Bong Revilla na madalaw ang anak na si Jolo Revilla na naka-confine sa Asian Medical Center and Hospital kahapon.

Ang maganda pa, limang oras  ang ibinigay ng Sandiganbayan kay Senator Bong, two hours more sa hiningi niyang three hours visitation.

Gusto lang ma-assure ng senador na maayos na ang lagay ng anak after ng operation.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Naikuwento ni Sen. Jinggoy Estrada na laging namumugto ang mga mata ni Sen. Bong mula nang malaman ang nangyari kay Jolo.

Nabalitaan din namin na bagamat nag-break na pala sina Jolo at Jodi Sta. Maria, nagbantay ang aktres sa ex-boyfriend simula nang isugod ito sa ospital.

May ibang information din kaming nalaman na nagkabalikan naman daw ang dalawa bago naganap ang aksidenteng pagkakabaril ni Jolo sa sarili. --Nitz Miralles