Jericho Rosales

TAWA kami nang tawa sa presscon ng Bridges of Love kahapon sa Dolphy Theater dahil sa ginawang running joke nina Edu Manzano at Jericho Rosales na inaabot sila ng ilang takes sa isang eksena dahil hindi nila makuha. Obvious naman na may gusto silang tumbukin at alam ng lahat kung ano ang ibig nilang sabihin, pero wala namang may lakas ng loob magtanong sa entertainment press kung sino ang tinutukoy nina Edu at Echo.

Sa one-on-one interview namin kay Echo, inamin niyang sumasakay lang siya kay Edu, “Ewan ko d’yan (Edu), sumasakay lang naman ako,” sabay tawa ng aktor. Pero inamin ni Jericho na natuwa siya nang mapasok si Paulo Avelino sa Bridges of Love dahil isa siya sa nag-suggest sa pangalan ng aktor na pawang magaganda ang naririnig niya tungkol sa working attitude nito kaya gusto niyang makatrabaho. “Siyempre ganu’n naman talaga, kapag nakabalita ka ng maganda tungkol sa kapwa mo artista, ang tendency ay gusto mo siyang makatrabaho plus the fact na pinupuri rin ang work niya, so ang tendency, magiging magaling ka rin,” paliwanag ni Echo. Bukod dito, gustung-gusto ni Jericho ang aura ni Paulo na sinasabi rin ng halos lahat. Sabagay parang ang bait-bait ni Paulo at hindi mo pag-iisipang gagawa ng hindi maganda sa set at higit sa lahat, wala pa kaming naririnig na naireklamo siya sa mga katrabaho o nagreklamo siya sa exposure niya sa programa. Samantala, nagbiro si Echo na, “Package deal na nga kami ni Maja (Salvador)” dahil pagkatapos ng Legal Wife ay balik-tambalan na naman sila ng aktres. “Masarap kasing katrabaho si Maja, wala na kaming ilangan sa mga eksena like kissing scenes, hindi na kami nag-aalangan, so magaan talaga,” sabi ng aktor. Kahit may mga kissing scene sina Echo at Maja, hindi naman daw ito pinagselosan ng asawa niyang si Kim Jones.

“Wala, naintindihan niya lahat, kasi bago ko rin gawin, itinatawag ko sa kanya at malaki ang tiwala niya sa akin at pinapanood pa nga niya ang mga ginagawa ko.” Puring-puri ni Echo ang asawa niya, “I think I married a super wife, grabe, inspite of her busy schedules kasi editor siya ng magazine, nagsusulat pa siya, may blog siya, you can check Kim Jones, ‘tapos may mga photo shoot siya, commercial shoot, she does modeling pa, hindi pa rin niya nalilimutan ang pagiging misis niya. “She cooks for me, minsan nga nagpapadala pa ng pagkain sa set like diet kasi, salad, sandwiches, marami, eh. So wala akong masabi, amazing woman, amazing wife, super wife.” Oo naman, maganda at matalino si Kim at higit sa lahat, sikat pa, so ano pa nga naman ang hahanapin mo, di ba, Bossing DMB?

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

(Good karma si Echo. --DMB) Mapapanood na ang Bridges of Love sa Marso 16 kapalit ng Two Wives.