BAYOMBONG, Nueva Vizcaya - Posibleng tuluyan nang maglaho ang produksiyon ng kamote sa Nueva Vizcaya dahil sa kamote disease na namemeste sa mga taniman sa mga bayan ng Sta. Fe, Kasibu, Ambaguio, Dupax Del Norte, Dupax Del Sur at Quezon.

Ayon sa mga residente, hindi na nakukuhang lumago ng mga dahon nito hanggang unti-unti nang matuyo at mangamatay ang kanilang tanim.

Himutok ng mga magsasaka, sa pagtatanim lang ng kamote sila kumukuha ng pagkakakitaan at kung hindi ito masosolusyunan ay maaaring wala na silang maipantustos sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte