Pursigido ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na masakop ng national health insurance program o NHIP ang lahat na mamamayan, kasama ang mga katutubo, rebelde, overseas Filipino worker at may kapansanan.

“No one should be left behind,” pagdidiin ni Atty. Alexander Padilla, pangulo at CEO ng PhilHealth.

Ipinagmalaki ni Padilla na mayroong nakalaang programa para sa buntis, bagong silang, matatanda at may kapansanan.

Aniya, umabot na sa 82 milyong Pilipino ang saklaw ng NHIP at target ng nasabing programa na masakop ang natitirang 18 porsiyento ng populasyon.
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!