TARLAC CITY - Isang guro ang pormal na dumulog kahapon sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang asawang tricycle driver na matapos niyang maaktuhang may kasamang ibang babae ay sinaktan pa siya sa Barangay Tibagan, Tarlac City.

Ang reklamo ay direktang isinumite sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Tarlac City Police laban kay Alberto Nucum, 40, ng 38-anyos niyang asawa na guro sa isang pribadong paaralan sa Barangay Maligaya at kapwa residente ng Bgy. Balibago 1st, Tarlac City.

Nabatid na naaktuhan ng guro ang asawa habang kasama ang umano’y nobya nito at nang kumprontahin ng misis ang suspek ay bigla siya nitong sinabunutan at ipinagtabuyan.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20