JOHANNESBURG (AP) - Sa pamamagitan ng isang video, hinimok ng al-Qaida-linked rebel group na al-Shabab ng Somalia ang mga Muslim na atakehin ang mga shopping mall sa United States, Canada, Britain at iba pang Western countries.

Ayon sa mga awtoridad, “no credible” na ebidensiya sa nasabing planong pag-atake sa mga shopping mall sa Amerika.

Napanood ang nasabing pagbabanta sa mga huling minuto ng mahigit isang oras na video na inilabas noong Sabado, na rito ay nagbanta rin ang grupo sa Kenya sa mas maraming pag-atake na gaya noong Setyembre 2013, sa Westgate Mall sa Nairobi, na 67 katao ang pinatay.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20