Duterte09_nightShift_KJROSALES_220215-619x436

Hinimok kahapon ng mga mambabatas si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kumandidato para sa pinakamataas na posisyon sa bansa, sinabing tiyak na makikinabang ang bansa sa “radical” na pamumuno ng alkalde.

Walang nakikitang masama sina Deputy Majority Leader at Citizens Battle Against Corruption Party-list Rep. Sherwin Tugna at Gabriela Party-list Rep. Luz Ilagan sa pagkandidatong pangulo ni Duterte sa 2016 dahil kuwalipikado naman, anila, ang alkalde para pamunuan ang bansa.

“It will be good for our country if Mayor Duterte throws his hat in the Presidential race. He can present his experience and achievements in Davao City,” sinabi ni Tugna sa isang panayam.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Any presidentiable who will be true to his word, is welcome to run and get the support ofthe people. A pro people , pro poor and anti-corruption platform is what we need,” sinabi ni Ilagan sa hiwalay na panayam.

Sinabi ni Ilagan na si Duterte “has the right to run for office”, batay na rin sa leadership record nito bilang dating kongresista at bise alkalde ng Davao City, bukod pa sa matagumpay nitong kampanyang pangkapayapaan sa katimugan.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay inihayag ni Duterte na kakandidato siyang presidente “if only to save the country from being fractured”, tinukoy ang posibilidad na mabigo ang prosesong pangkapayapaan at ang matagal nang problema sa korupsiyon. Ngunit makalipas ang isang araw, umurong si Duterte at idinahilan ang kanyang edad at ang kawalan niya ng pondo para sa pangangampanya.

Sa selebrasyon ng ika-33 anibersaryo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) noong Sabado, napaulat na “bukas ang isipan” ni Duterte sa pagkandidatong pangulo matapos ihayag ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, pangulo ng PDP-Laban, na posibleng si Duterte ang maging standard-bearer ng partido sa susunod na taon.