2-EMOTORS-ZUM-etrikes-@-Palo-Leyte-619x358

Sa pakikipagtulungan ng Don Bosco DIRECT, makabibiyahe na ang mga ZüM electric trike sa Palo, Leyte bilang tulong-kabuhayan sa mga nasalanta ng super typhoon ‘Yolanda’ sa lugar.

Ayon kay Elizabeth H. Lee, pangulo ng EMotors na supplier ng e-trike sa bansa, napili ng ilang dayuhang donor ang mga electric tricycle upang ipamahagi sa mga residente ng Palo, bilang transportasyon sa lugar na magagamit din sa iba’t ibang negosyo.

Pinangunahan ni Lee ang turn over ceremony ng mga ZüM electric trike sa isang multi-purpose cooperative sa Barangay Candahug, na roon naninirahan ang may 2,000 mangingisda at magsasaka na nawalan ng ari-arian at kabuhayan bunsod ng bagyong Yolanda.

Internasyonal

Thailand, kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na nagpatupad ng same-sex marriage

“The ZüM e-trikes used as a means of livelihood in Candahug sends a strong message of encouragement and hope to earnest Filipinos who are now struggling to find their place given the devastating circumstances the catastrophic storm left behind,” pahayag ni Lee.

Pinangunahan ng EMotors ang pagsasanay sa mga driver at operator sa tamang paggamit at pagmamantine ng mga electric tricycle, na itinuturing na matipid sa enerhiya at makakalikasan dahil hindi ito nagbubuga ng usok.

“Marami pang dapat gawin upang maiahon ang mga residente sa lugar mula sa kalamidad,” ayon kay Vic Gocela, deputy coordinator ng Don Bosco DIRECT.

“Ang pagdating ng mga e-trike sa lugar ay isang maliit na hakbang subalit ito ay sumisimbolo ng isang malaking kontribusyon para sa buong komunidad dahil ito ay magsisilbing inspirasyon at pag-asa para sa mga kababayan natin dito,” dagdag niya.