Sa iniibig natin Pilipinas, ang Pebrero 22-25 ay mahalagang bahagi ng ating kasysayan sapagkat paggunita ito sa anibersaryo ng apat na araw na EDSA People Power Revolution. Isang natatanging Himagsikan sapagkat walang dugong dumanak at buhay na nautas na karaniwang nagaganap sa mga paghihimagsik sapagkat ang naging sandata ng mga mamamayang Pilipino ay ang pagkakaisa, dasal, imahen ng Mahal na Birhen at mga bulaklak na itinapat sa bibig ng baril ng mga sundalo Bumagsak ang may 20 taon ng rehimen at diktaduryang Marcos. Ang EDSA Revolution ay isang sagisag ng pagbabalik ng kalayaan at emokrasya. Nakatawag ng pansin sa buong mundo, tinangkang gayahin ng ibang bansa ngunit nabigo.

Sa EDSA People Power Revolution, ang ipinunlang pagkakaisa ng mga Pilipino ay naghatid sa kanilla sa kadakilaan at matibay na pananampalatayang Kristiyano. Maitutulad ang EDSA People Power Revolution sa liwanag sa madilim na bahagi ng ating kasaysayan na lumagot sa tanikala ng panunupil. Ngunit nakalulungot sapagkat ang liwanag ay hindi nagliyab at tuluyang naglagablab sa mga inaasahang pagbabago sa gobyerno at lipunan. Isa na sanang magandang pagkakataon. Ngunit nabigo ang inaasahan at hinihintay ng sambayanan Pilipino sapagkat nagpalitan lamang ng mga lider na tulad ng pinataksik na diktador ang umupo sa poder. Ang pamamahala sa gobyerno ay naging rigodon ng mga piling uri, elitista naghaharing-uri sa lipunan at mapagsamatala. Nawala ang pagkakaisa. Nagkanya-kanya na ang mga lider at protagonista sa EDSA People Power Revolution upang maging makapangyarihan at magkamal ng yaman. Nakisawsaw sa pagsasamantala ang mga tinaguriang Kamag-anak Incorporated at alipores. Patuloy ang paglabag sa mga karapatan pantao at judicial killings. Dahil sa nasabing mga pangyayari, unti-unting nanamlay hanggang sa mawala ang sigla sa paggunita at anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ang inyong kolumnista, bilang isang reporter ng DZRH ay naging bahagi sa coverage ng apat na araw ng EDSA People Power Revolution. Nasaksihan at naireport sa radyo ang mga pangyayari sa kanto ng Ortigas at EDSA, sa Club Filipino sa San Juan nang manumpang Pangulo si Tita Cory Aquino at sa Santolan Road.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente