BEIJING (Reuters) – Tinuligsa ng nangungunang cotton producer sa China, isang quasi-military body na binuo 60 taon na ang nakalilipas upang makipag-ayos sa Xinjiang, ang polisiya ng gobyerno na maaaring humantong sa pagkabawas ng trabaho sa industriyang may daan-daang libong empleyado.
Nangako ang Beijing na tutuldukan ang magastos na stockpiling program na nagbunsod ng artipisyal na taas-presyo sa bulak at nagsulong sa pagdami ng manggagawang Han Chinese sa Xinjiang.