Inigo-Pascual1

NAGING emosyonal si Iñigo Pascual nang tanungin sa interview sa The Buzz nitong nakaraang Linggo tungkol sa kanyang mommy.

Simula nang pumasok sa showbiz last year ang 17 year-old bagets actor ay lagi lang tungkol sa amang si Piolo Pascual ang naitatanong sa kanya. Nitong nakaraang Linggo lang siya natanong at nagsalita tungkol sa kanyang Mommy Donnabelle Lazaro. 

Lingid sa lahat, camera-shy ang mommy niya at ang kuwento ni Iñigo ay nakakasama niya ang ina sa kanyang appearances. Pero hindi raw ito stage mom kundi kadalasa’y tahimik lang sa isang tabi habang pinapanood siyang mag-perform.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Paano ilarawan ni Inigo ang kanyang ina?

“We’re very close. She’s my best friend and she’s with me my whole life,” sabi ng newcomer na agad binigyan ng big break ng Star Cinema sa Crazy Beautiful You na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kuwento pa ni Iñigo, noong nag-aaral siya sa US, madalas siyang magsumbong sa kanyang mommy tungkol sa mga problema sa  kanyang school, partikular na ang pambu-bully ng ilang schoolmates.

Wala siyang kaibigan doon dahil halos lahat ng mga kamag-aral ay soccer ang hilig, ang pinaka-in na sports sa US teens. Kung soccer ang in sa barkadahan sa US, music naman ang pinagkakainteresan niya habang nag-aaral. Kaya wala siyang malalapit na kaibigan doon.

Naikuwento rin ni Iñigo ang minsang pagkainis sa kanyang mommy, nang makita nito ang picture ng kanyang girlfriend sa cellphone niya. Ginawa kasi niyang wallpaper ang picture ng kanyang gilrfriend.

Sa pakikialam ng kanyang mommy, na-lock ang cellphone. Gusto raw kasi nitong malaman ang identity ng babae.

Simula noon, naging secretive na siya sa kanyang mommy lalo na’t tungkol sa girls.

Bumawi naman si Mommy dahil nitong nakaraang Valentine’s Day, nakatanggap si Iñigo ng Valentine card from her with a message for him saying, “My forever Valentine,” na siyang nag-trigger ng kanyang emosyon habang nagsasalita tungkol sa ina.