Sinimulan nang kumpunihin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Dimasalang, Masbate Street sa Sta. Cruz at Sampaloc, Maynila.
Ang konstruksiyon sa lugar ay sumasaklaw sa ilang bahagi ng kalsada sa Dimasalang, Masbate, V.G. Cruz, Cristobal, A. Maceda, Blumentritt, Becerra at Maria Clara Streets.
Tatagal ang konstruksiyon ng dalawang buwan at inaasahang matatapos sa April 17, 2015 o 60-araw.
Upang maibsan ang pagkakabuhol buhol ng trapiko dahil sa pagbabawas ng isang lane, hinati ng DPWH ang pagpapatupad ng proyekto sa dalawang (2) stages.
Ang Stage 1 ay kinabibilangan ng reconstruction ng kongkretong simento sa southbound inner lane sa mga lugar ng District 3 - sa gilid ng Sta. Cruz mula sa tulay ng Dimasalang sa paligid ng Maria Clara Street.
Kasama sa pagkukumpuni ang northbound outer lane mula V. G. Cruz sa Cristobal at one-way road na bahagi ng Blumentritt, sa loob ng lugar sa District 4 – lahat ng bahagi sa Sampaloc. Ang Stage 1 ay inaasahang makukumpleto sa loob ng unang 30-araw.
Ang Stage 2 ay magsisimula sa sandaling makumpleto ang stage 1 na may katulad na mga limitasyon ng proyekto sa unang yugto ngunit sumasaklaw sa iba pang mga daan ng kalsada na may drainage improvement at pagkukumpuni ng reinforced concrete manholes.
Sa direktiba ni DPWH Secretary Rogelio Singson, sampung (10) MMDA-trained traffic aides na may two-way radio communication ang pasusuwelduhin ng kontratista upang dagdagan ang mga Traffic Enforcers ng MMDA at Manila City Hall.
Ang nagmamando ng trapiko sa kanto ng Dimasalang at Maceda ay nasa apat na traffic aides habang dalawang traffic enforcers bawat isa ang nakatalaga sa Dimasalang kanto ng Maria Clara, A.H. Lacson, at Aurora Boulevard.