Yeng Constantino

IPINAKITA sa The Buzz ang kasal nina Yeng Constantino at Yan Asuncion noong Araw ng Mga Puso o Valentines Day. Red ang motif ng Christian ceremony na ginanap sa Hacienda Isabella sa Tagaytay.

Suot ang wedding gown na gawa ng designer na si Albert Andrada, naging  emosyonal ang bride habang naglalakad papuntang altar.

Tumagos sa puso ni Yeng ang wedding vow ni Yan para sa kanya ni Yan.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Sobrang saya ko na ikaw ang makakasama ko habang buhay. Tinupad ng Panginoon ang pangarap at hiling ko na makasama ang isang katulad mo. Biyaya ang magmahal ng ganito. Yeng, ikaw ang aking una’t huli na aking mamahalin. Hanggang sa dulo ikaw lang,” straight to Yeng’s eyes na sabi ni Yan na sinaksihan ng mga emosyonal ding panauhin.

Parehong musicians at singer sina Yeng at Yan, kaya’t halos kantahan at tila mini-concert ang naganap sa reception nila. Hindi maitago ng dalawa ang kaligayahan na finally, husband and wife na sila simula nang araw na iyon.

Dumalo rin sa kasal ang ilan sa kanilang malalapit na  showbiz friends  gaya nina Maricar Reyes, Kean Cipriano, Jessy Mendiola, Gloc9, Barbie Almalbis, Paolo Valenciano at Rica Peralejo-Bonifacio.

Pagkatapos ng kasal, agad-agad na  lumipad ang mga bagong kasal patungong Maldives para sa kanilang honeymoon.

Inaasahang isi-share nina Yeng at Yan ang naging karanasan nila sa Maldives sa kanilang pagbabalik.