Mariing itinanggi ni dating National Security Adviser Norberto Gonzales na may nilulutong kudeta ang kanyang grupo laban kay Pangulong Aquino at sa halip, lantarang nanawagan ito na magbitiw na sa puwesto ang Punong Ehekutibo bunsod ng umano’y palpak na operasyon sa Mamasapano, Maguindanao kung saan 44 commando ang napatay.

“Kung ako tatanungin mo, palagay ko dapat mag-step down si Presidente bago makita talaga na hindi siya fit to become president,” pahayag ni Gonzales sa panayam ng Podcast.Ph.

Una nang inginuso ni Sen. Antonio Trillanes IV si Gonzales na kabilang sa mga nagpaplanong ibagsak ang gobyernong Aquino dahil sa pagkamatay ng 44 tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).

“Alam naman natin na ang coup hindi nagsa-succeed sa Pilipinas. Maraming times na ina-attempt na ‘yan na hindi naman nagiging successful at hindi naman na-encourage ang coup d’etat because that will lead to factionalism inside the armed forces,” pahayag ni Gonzales sa program host na si Martin Andanar.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nanawagan din si Gonzales sa mga sundalo at pulis na huwag magpadala sa emosyon dulot ng madugong insidente sa Maguindanao.