HINDI naman talaga masama ang makipagtawaran sa mga negosyante o nag-aalok ng mga serbisyo. Naging halimbawa natin kahapon ang isang tourist guide, na hindi naman kalakihan ang suweldo ngunit dalisay naman ang paglalaan niya ng panahon sa pagbabahagi ng kanyang talino sa iyo bilang turista. Dahil sa bagong karunungang iyong matatamo mula sa kanya, hindi mo na dapat panghinayangan ang iyong ibabayad.

So, sinu-sino pa ang hindi ka na dapat makipagtawaran?

  • Sastre at Modista - Ang singil ng mga sastre at modista ay halos doble ng presyo ng ready-to-wear (RTW). Gayunman, nakatitiyak ka sa pulido nilang gawa at kapat sa iyong katawan ang damit na ipinagawa mo sa kanila. Kaya nga nagkakaroon ng magiliw na ugnayan ang mga sastre/modista sapagkat patuloy ang pagsisikap nila na ismarte ang dating mo sa iyong damit. Hindi malaki ang kinikita ng mga ito dahil kalaban nila ang RTW. Sapagkat pulido at matibay ang kanilang gawa, mahaba-habang panahon bago pa magbalik ang kanilang customer para magpagawa uli o magpa-repair.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Kung magbalik ka nga para magpagawa ng damit, asahan mo rin naman na magiging mabait sa iyo ang sastre/modista at malamang na matapat na sasabihin sa iyo ang angkop na halaga sa pagpapagawa ng bagong damit. Ikaw naman ang matutuwa sa mas mababang presyo na kanilang sisingilin sa iyo.

Kapag nakakita ka ng branded na damit sa mall na talagang type mo, ni hindi ka kumukurap kapag inilalabas mo na ang mahigit sanlibong piso mula sa iyong wallet o kapag sinu-swipe na ng mgandang kahera ang iyong credit card upang makamtan mo ang naturang damit kahit maluwag sa iyo.

Ngunit sa halagang mahigit tatlo hanggang limandaang piso na ibabayad mo sa sastre/modista ay nangingiwi ang nguso mo sa pagdukot niyon sa iyong wallet. Huwag mo nang panghinayangan ang ibabayad mo sa sastre/modista; bigyan mo siya ng pagkakataong mabuhay nang medyo masaya.

Sundan bukas.