Naglabas na ang Sandiganbayan ng hold departure order laban sa dalawang dating kongresista at kanilang kasamahan na kinasuhan kaugnay ng kontroberisyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Inatasan ng Sandiganbayan ang Bureau of Immigration (BI) na ilagay sina dating Benguet Rep. Samuel Dangwa, dating Masbate Rep. Rizalina Seachon-Lanete at kanilang mga kapwa akusado sa Hold Departure List upang hindi sila makaalis ng Pilipinas nang walang permiso mula sa anti-graft court.

Naglabas na ng HDO ang Sandiganbayan Third Division laban kay Dangwa at 32 kapwa akusado, kabilang ang kanyang anak na si Erwin at tinaguriang “utak” ng pork barrel fund scam na si Janet Lim Napoles.

Samantala, sinabi ni Third Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma na kapwa naghain ng P520,000 piyansa sina dating Congressman Dangwa at anak niyang si Erwin, na nagpiyansa naman ng P420,000, bagamat wala pang inilalabas na mandamiyento de aresto laban sa dalawa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Si Erwin ay nahaharap sa kasong six counts of graft at six counts of malversation habang ang nakatatandang Dangwa ay kinasuhan ng six counts of graft, six counts of malversation at five counts of bribery.

Kabilang sa mga nakatala sa Third Division HDO sina Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Mario Relampagos at kanyang mga staff na sina Rosario Nuñez, Lalaine Paule, Marilou Bare; Carlos Lozada; Gondelina Amata; Gregoria Buenaventura; Emmanuel Sevidal; Chita Jalandoni; Sofia Cruz; Filipina Rodriguez; Ofelia Ordoñez; Alan Javellana; Rhodora Mendoza; Victor Roman Cacal; Ma. Ninez Guanizo; Julie Villaralvo-Johnson; Romulo Relevo; Eulogio Rodriguez; Antonio Ortiz; Dennis Cunanan; Marivic Jover; Mylene Encarnacion; Ma. Rosalinda Lacsamana; Consuela Lilian Espiritu; Belina Concepcion; John Raymond de Asis; John Bernardo; Evelyn de Leon; at Nitz Cabilao.